Tuesday, March 11, 2008

meh forever.







fake products part 2! hmf!

“Kung susuriin mabuti, malaki ang pagkakaiba ng kalidad ng mga produktong peke at orihinal. Kadalasan din na madaling masira ang mga produktong inaangkat galing Tsina. Wala din “warranty” ang mga ito kung kaya’t hindi na mapapakinabangan kapag ito’y nasira na. Malaki ang nagiging epekto ng pag-aangkat ng pekeng produkto galing Tsina sa ating ekonomiya. Bukod sa nalulugi ang mga negosyante, mas pinipili ng mga tao na bumili ng pekeng produkto kahit na wala itong kasiguruhan. Isa sa mga halimbawa ng mga pekeng produkto na sobrang mabenta sa mga Pilipino ay ang mga imitasyon ng mga sapatos, bag, at damit. Ilan sa mga sikat na tatak na kadalasang ginagaya ay “Nike”, “Adidas”, “Fubu”, “Puma”, “Mango”, “Lee”, “Jag”, “Sean John”, “Von Dutch”, “Billabong”, at marami pang iba. Ngunit isa sa pinakamaraming imitasyon ngayon ay ang tatak ng tsinelas na “Havaianas” sapagkat marami ang nagnanais na makabili nito. Ang mga tatak ng “cellphone” ay nagkakaroon din ng imitasyon. Ang mga tatak na “Nokia”, “Motorola”, “Samsung” atbp.”

“Hihirap ang kalagayan ng mga Pilipino sapagkat walang buwis na nababayaran. Kung titignan, malaki dapat ang buwis na nakukuha ng Pilipinas ngunit nauuwi saw ala dahil nga ito ay hindi legal. Mamumungad din ng mga pekeng produkto ang pamilihan sa Pilipinas at kokonti na lang ang mag-aangkat ng orihinal na produkto galing sa iba pang mga bansa sapagkat malulugi lang sila. Puro mga Tsino na lang din ang kikita sapagkat sila lamang ang nakakapagbenta ng mga ganito. Magiging tauhan na lang ang mga Pilipino. Mahihirapan din mag-“advertise” ng produkto galing sa Pilipinas dahil iisipin ng mga tao sa ibang bansa na puro peke lang ang produkto na galing dito. Mahihirapan din makipagkalakalan ang Pilipinas.”


support original products! ;)

Hayz!! Mga pekeng produkto galing Tsina.. tsktsk!

“Maraming bumibili ng pekeng produkto ay dahil na rin sa agwat ng presyo nito kumpara sa mga orihinal na produkto. Isa din na dahilan ay ang ibang pekeng produkto ay halos kapareho na rin kalidad ng mga produktong nabibili sa mataas na halaga. Isa na marahil na dahilan kung bakit marami pa ring nakakalusot na pekeng produkto mula Tsina sa kabila na ipinagbabawal ito ay dahil na rin sa patuloy na pagkonsumo ng mga Pilipino nito. Mapapansin na sa kabila ng napakaraming nahuhuli sa ganitong Gawain ay nagpapatuloy pa rin ito sa kadahilanang may mga malalaking tao ang nasa likod nito. Marahil ay sinusuportahan o hawak ito ng ilang mayayamang negosyante o pulitiko. Ilan sa mga produktong inaangkat ng Pilipinas mula Tsina ay mga damit, de lata, gamit sa kusina, “electronics”, at marami pang iba. Sa kabilang dako, may kabutihan din itong naidudulot. Una, nakakatipid ang mga Pilipino sapagkat napakalayo ng presyo nito kumpara sa mga bilihin sa mga “shopping malls” at “department stores”. Isa rin na kabutihan nito ay mas maraming produkto ang kanilang nabibili at napapakinabangan din naman ito kagaya ng mga orihinal. Malaki ang nagiging epekto ng pag-angkat ng mga produkto mula Tsina sa mga maliliit na negosyo ng mga Pilipino. Una, nababawasan ang kita nila. Mas tinatangkilik ng mga mamimili ang galing ng Tsina dahil ang ibang produkto nito ay malaki ang pagkakahawig sa mga orihinal na produkto. Ang ibang negosyanteng Pilipino naman ay umaangkat na lang din ng produkto galing Tsina upang lumakas din ang kanilang kita. Maaaring puro pekeng produkto na ang bibilhin ng mga tao. Malulugi ang mga negosyong nagbebenta ng orihinal na produkto. Ang mga inaangkat din sa ibang bansa gaya ng U.S, Japan, Canada at sa iba pang mga bansa ay malulugi. Malulugi din ang ekonomiya ng Pilipinas sapagkat hindi nababayaran ang karampatang buwis para sa mga produkto.”



fakers!